17,447 pang bagong kaso ng COVID naitala; 113 patay, 6,771 nakarekober

Manila, Philippines – Muling nakapagtala ng  mataas na bilang ng bagong kaso ng coronavirus disease ngayong hapon, Agosto 28

Batay sa case update ng Department of Health (DOH), umabot sa  17,447 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Mayroon namang naitalang 6,771 na gumaling at 113 na pumanaw.

Nasa kabuuang 1,741,089 na ang gumagaling at 32,841 naman ang namatay na sa sakit.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.4% o 142,531 ang aktibong kaso.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 25, 2021 habang mayroong isang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng isang lab na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento