MANILA, Philippines – Humirit ng karagdagang pondo ang Department of Health (DOH) para sa COVID-19 special risk allowance (SRA) ng higit 17,000 na mga health workers.
Ito ay hiwalay sa P311-M na inirelease ng Department of Budget and Management (DBM) para sa SRA ng mahigit 20,000 mga health workers ngayong linggo.
“Meron na po tayong bagong request sa DBM kung saan may nakapagsumite na sa atin ng around 17,670 additional healthcare workers na nag-submit ng kanilang mga requirements,” sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Nag-uusap na rin umano ang DOH at DBM para naman sa pagpapalawig ng kontrata ng mga health workers na pinagtrabaho nila sa pamamagitan ng emergency hiring program.
Matatandaang nagbanta na magbibitiw sa serbisyo grupo ng mga health workers kung hindi pa maibibigay ang pangakong benepisyo.
Nangako naman ang DOH na maipapamahagi ang mga ito sa lahat bago matapos ang Agosto. RNT/JC
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento