MANILA, Philippines – Base sa pinakahuling ulat ng OCTA Research, Navotas ang may pinakamataas na Average Daily Attack Rate (ADAR) sa buong bansa simula Agosto 7-13, 2021, 215% ang itinaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 41 ang average daily case noon, ngayon 129 na.
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, dati ang Navotas ang may pinaka-mababang ADAR sa buong Metro Manila kaya base sa alkalde na kung kaya pababain ang mga kaso noon, siguradong kaya din ngayon.
Marami na aniyang mga kapamilya, kaibigan o kakilala na nagkasakit o namatay dahil sa COVID-19 kaya wag na hayaan na may madagdag pa rito.
Payo ni Tiangco, labanan ang salot na COVID-19 sa pamamagitan ng pag-iingat at pagsunod sa safety health protocols lalo na ang tamang pagsusuot ng face mask, magpabakuna para magkaroon ng proteksyon.
“Kapag walang nahahawaan ang virus Wag hayaang makapaminsala pa ng buhay at kabuhayan ng iba”. ani ni Tiangco. R.A Marquez
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento