12 Pinoy kabilang sa COVID-19 active cases ng Indonesia

MANILA, Philippines—Tinatayang nasa 12 Pilipino sa Indonesia ang kasalukuyang positibo sa COVID-19, ayon sa pahayag ngayong Linggo ng isang overseas Filipino worker na mula sa nasabing bansa.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Aquino Martinez na isang arkitekto sa Jakarta na 43 Pinoy na umano ang tinamaan ng COVID-19 sa Indonesia base pakikipag-ugnayan niya sa ilang komunidad doon.

Kabilang dito ang 12 aktibong kaso na kasalukuyang isolated sa kani-kanilang tirahan, bagama’t nagpositibo hindi aniya nagpakita ng malalang sintomas ang mga ito.

Samantala, ang 31 namang Pinoy ay nakarekober sa sakit.

Maaari naman aniya na mabakunahan kontra COVID ang mga OFW sa Indonesia kung makikipag-ugnayan sila sa pamahalaan habang ang mga empleyado ng ilang kompanya ay obligadong magpabakuna bago makapagtrabaho sa opisina.

Kwento pa ni Martinez, maraming Pinoy na ang nawalan ng trabaho sa Indonesia kaya naman nagtulong-tulong ang ilang Filipino community upang maisalba sila.

Batay sa datos, isa ang Indonesia sa mga bansang nakararanas ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa mas matinding Delta variant. RNT/Riza Guarin-trainee


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento