3 iba pa nalambat sa Bulacan manhunt ops
Top 3 MWP 3 iba pa nalambat sa Bulacan manhunt ops

Bulacan – Arestado ang isang 31 anyos na lalaking Top 3 Municipal Most Wanted Person (MWP) matapos silbihan ng warrant of arrest ng pulisya sa bayan ng San Miguel.
Kinilala ni Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ang wanted na si Gilber Dela Paz, residente ng Brgy. Cambio.
Sa report, naaresto ang wanted sa bisa ng warrant na isinilbi ng tracker team ng San Miguel police bandang 10:25 ng umaga nitong Mayo 6, taong kasalukuyan.
Nabatid na ang warrant sa kasong paglabag sa Section 11, Art. II of RA 9165 at Comprehensive Firearms and Ammunitation Regulation Act RA 10591 ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 21, Malolos City noong Marso 15, 2023 na may piyansang P200,000 at P120,000
Kaugnay nito, tatlo pang wanted na hindi pinangalanan ang naaresto sa magkakahiwalay na manhunt operation ng Malolos, San Jose Del Monte at Guiguinto police sa mga kasong Rape; BP22 at Special Protection of Children against Child Abuse (RA 7610).
Kasalukuyang nasa kostudiya ang mga naarestong wanted ng mga humuling himpilan para sa kaukulang dokumentasyon. Dick Mirasol III
Top 3 MWP, 3 iba pa nalambat sa Bulacan manhunt ops
Source: Filipino Pinoys
3 iba pa nalambat sa Bulacan manhunt ops
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
Top 3 MWP
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento