Magsasaka
Magsasaka patay sa caretaker na ayaw magparaan

SARANGANI- HINDI na nakarating pang buhay sa kanyang sakahan ang isang magsasaka matapos harangan ng suspek ang daanan saka pinagtataga ang una, kahapon ng hapon, Mayo 6 sa bayan ng Malungon.
Kinilala ang biktimang si Ruel Talunod Tundag, 52 anyos, at residente sa Sitio Crossing Coronado, Barangay Malalag Cogon, Malungon.
Sumuko naman sa pulisya ang suspek na kinilalang si Ridgym Tioga Avila, 49 anyos, farm caretaker at residente sa nasabing lugar.
Batay sa report ng Malungon Police Station, bandang 3:50 PM ng Sabado nang maganap ang krimen sa nabanggit na lugar.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang HONDA XRM 125 na motorsiklo na may plakang 1101-373677 at pagdating sa nasabing lugar bigla na lamang hinarangan ng suspek ang daanan.
Kinompronta ng biktima ang suspek kung bakit nito hinarangan ang daan na nauwi sa mainitang pagtatalo.
Kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang krimen sumuko naman sa pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng karampatang kaso. Mary Anne Sapico
Magsasaka, patay sa caretaker na ayaw magparaan
Source: Filipino Pinoys
Magsasaka
patay sa caretaker na ayaw magparaan
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento