PalengQR PH Plus ng BSP inilunsad sa Parañaque
PalengQR PH Plus ng BSP inilunsad sa Parañaque

MANILA, Philippines- Pinangunahan ng mga opisyales ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang paglulunsad ng PalengQR Ph Plus sa lungsod nitong Abril 20.
Sinabi ni Olivarez na ang BSP team na pinamumunuan ni Ellen Ramos ng BSP financial inclusion office ang nagpakilala kasabay ng pagpo-propose sa paglulunsad ng nabanggit na proyekto sa lungsod.
Ani Olivarez, ang PalengQR PH Plus ay isang proyekto ng BSP na ang layunin ay mai-promote ang digital payments sa mga palengke, tricycle hubs, at iba pang establisimiyento.
Dagdag pa ni Olivarez na layunin din ng BSP na mai-promote din ang financial literacy ng mga komunidad sa lungsod partikular sa mga nagtitinda sa palengke at mamimili, tricycle operators, at drivers gayundin sa mga pasahero.
Target din ng naturang programa na makamit ang universal account ownership ng lungsod sa pamamagitan ng epektibong pagbibigay ng serbisyo publiko sa mga vulnerable sectors.
Mapagtitibay din ng proyekto ang e-governance system kasabay ng pagpapabilis ng proseso at transakyon ng pagseserbisyo na iniaalok ng lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga lumahok sa presentasyon na isinagawa ng BSP ay sina Business Permit and Licensing Office (BPLO) chief Atty. Melanie Soriano- Malaya, City Administrator Atty. Voltaire dela Cruz, Public Information Office (PIO) officer-in-charge Catalino Alano Jr., Information Technology Development Department head Atty. Mark Espinosa, Consumer Welfare Office officer-in-charge Millan Alcaraz pati na rin ng mga representante ng lokal na Market Division. James I. Catapusan
PalengQR PH Plus ng BSP inilunsad sa Parañaque
Source: Filipino Pinoys
PalengQR PH Plus ng BSP inilunsad sa Parañaque
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento