Bangkay ng nawawalang nene natagpuan malapit sa paaralan

MANILA, Philippines – Naaagnas na bangkay na nang matagpuan ng pulisya sa madamong bahagi sa likod ng paaralan ang batang babae na apat na araw nang pinaghahanap.

Ayon kay Lt. Col. Edgardo Bernardo, acting Tagum City police station chief, iniulat ng isa sa mga opisyal ng barangay ang natuklasang nabubulok na bangkay ng biktima na kinilalang si Monalisa Pagharion bandang 7:45 ng gabi sa masukal na bahagi ng Purok Durian, Barangay Apokon.

Ani Bernado, naamoy ng isang dumaraan sa lugar ang masangsang na amoy na nagmumula sa lugar kung saan nakita ang bangkay dahilan para puntahan nila ito, at doon na nga nakita ang katawan ng Grade 1 student na nasa decomposition stage na.

Humingi naman ng tulong ang ama ng biktima na si Arnel sa pulisya makaraang hindi na umuwi ng tahanan ang anak noong Lunes.

Nakatakda namang isailalim sa autopsy ang bangkay ng estudyante upang malaman ang dahilan ng kamatayan nito. RNT/JGC



Bangkay ng nawawalang nene natagpuan malapit sa paaralan
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento