binebenta ang gym equipment!
Gardo nag-iipon ng pondo binebenta ang gym equipment!

Manila, Philippines – Kung hindi kami nagkakamali, sa June pa ang scheduled second angioplasty ni Gardo Versoza.
Pero this early ay pinag-iipunan na niya ito.
Alam naman nating madugo ang ginagastos sa ganitong procedure.
Dapat sana’y kasado na ito when he was brought to the hospital recently.
Ipinagpaliban lang ‘yon ng doktor as he suffered another heart attack.
Gardo was then discharged but was advised na huwag munang tumanggap ng trabaho until his condition improved.
Nitong April 25 ay aakalain n’yong balik-pagsasayaw uli ang aktor in his Instagram post.
Makikita kasi siyang back on his dancing feet, pero sa background ay mapapansin ang kanyang gym equipment.
May rationalè pala behind showing his workout gear dahil for sale ‘yon.
True to his caption na: “For sale: all in one gym equipment, compact, ideal for condo. (Reason for selling) need to raise funds for my second angioplasty procedure.”
Kung mako-consummate nga naman ang sale ay malaking tulong ‘yon para matustusan ni Gardo ang gastos for the said procedure.
Matatandaang inatake si Gardo sa bahay habang nasa labas ang kanyang mag-iina watching a football game.
Supposedly that day ay meron siyang showbiz commitment na balak naman talaga niyang siputin, after which ay diretso siya sa ospital for checkup.
Pero hindi na ito nangyari as he couldn’t bear anymore ‘yung discomfort na nararamdaman niya.
Realizing na life-threatening ang kanyang sakit, hiniling ni Gardo na ano’t anuman daw ang mangyari sa kanya’y bahala na ang nasa Itaas sa kanyang mag- iina.
Sa himig ni Gardo, mahihinuhang handa na siya for whatever was bound to happen.
Miss na rin daw niya kasi ang yumaong ina.
Thankfully, matagumpay na nalampasan ng aktor ang kanyang unang operasyon.
At bilang pasasalamat nga, sa halip na dumirestso sa kanilang bahay mula ospital, Gardo opted to go to a church.
‘Yung dapat sana’y trabahong ipagpapatuloy ni Gardo ay sinalo ni Romnick Sarmenta.
Here’s hoping nag-improve na ang health condition ni Gardo to prep him up for his second angioplasty.
Gym equipment, anyone? Ronnie Carrasco III
Gardo, nag-iipon ng pondo, binebenta ang gym equipment!
Source: Filipino Pinoys
binebenta ang gym equipment!
Gardo
nag-iipon ng pondo
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento