Kuryente sa OcMin naibalik na pero monopolyo kinuwestyon ng vice gov
Kuryente sa OcMin naibalik na pero monopolyo kinuwestyon ng vice gov

MANILA, Philippines – Nakabalik na ang kuryente sa mga residente ng Occidental Mindoro ngunit hindi pa rin tapos ang laban para sa katatagan ng suplay ng kuryente.
Sinabi ni Occidental Mindoro Vice Governor Anecita Diana Apigo-Tayag sa isang panayam na inaabuso ng Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC), ang nag-iisang nagbibigay ng kuryente sa lalawigan, ang kanilang monopolyo upang mangolekta ng subsidiya mula sa pamahalaang pambansa.
Ang OMCPC ay biglang nakapagbigay ng 32 megawatts ng kuryente matapos magbigay lamang ng apat na oras ng kuryente sa mga residente kada araw sa loob ng mahigit isang buwan.
Ayon kay Apigo-Tayag, kailangang mag-diversify at magpapasok ng ibang power provider upang malagpasan ang monopolyo ng OMCPC sa kuryente.
Isang resolusyon upang alamin ang mga posibleng solusyon sa krisis ng kuryente sa Occidental Mindoro ay kamakailan ding inihain sa Senado. RNT
Kuryente sa OcMin naibalik na pero monopolyo kinuwestyon ng vice gov
Source: Filipino Pinoys
Kuryente sa OcMin naibalik na pero monopolyo kinuwestyon ng vice gov
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento