Abalos: PNP officials na sangkot sa ilegal na droga
Abalos: PNP officials na sangkot sa ilegal na droga kakasuhan ng Napolcom
MANILA, Philippines- Itutuloy ng National Police Commission (Napolcom) ang pagsasakdal sa Philippine National Police (PNP) generals at dalawang colonels na diumano’y nauugnay sa ilegal na droga.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa isang news conference na nagpalabas na ang Napolcom ng isang resolusyon para ituloy ang pre-charge investigation laban sa mga hindi pinangalanang mga opisyal.
Larawan kuha ni Danny Querubin
Hinikayat din ni Abalos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tanggapin ang courtesy resignation na nauna nang isinumite ng mga police officials.
“The resolution will cover administrative charges to be handled by the Napolcom. The criminal charges, meanwhile, will be under the Deputy Ombudsman for Military and other Law Enforcement Offices (MOLEO),” ayon kay Abalos.
“We are doing this so that the cases will continue even if their courtesy resignations are accepted,” dagdag na wika nito.
Ani Abalos, ang Napolcom, nasa ilalim ng DILG, ay tinanggap din ang report ng five-member panel na inatasan na linisin ang hanay ng mga opisyal na iniuugnay sa ilegal na droga.
“The advisory group recommended the following: No. 1, non-acceptance of the resignation of 917 officers. No. 2, further investigation of 33 other officers. No. 3, acceptance of the courtesy resignation, and filing of administrative and/or criminal cases against four; specifically, two generals and two colonels,” ang pahayag ni Abalos.
Aniya, inirekomenda rin ng Napolcom sa Pangulo na tanggapin ang courtesy resignation ng dalawang generals at dalawang colonels na diumano’y sangkot sa illegal drug trade.
Nauna rito, kinumpirma naman ni Pangulong Marcos nito lamang weekend na tinanggap niya ang pagbibitiw sa serbisyo ng dalawang PNP generals, subalit sinabi naman ni Abalos na hanggang sa ngayon ay wala pang natatanggap ang DILG na transmittal letter mula sa Office of the President (OP).
“We’ve heard in the media, parang tinanggap niya. What we will do, is we will wait for the actual letter,” dagdag na pahayag ni Abalos.
Samantala, maaari ring maharap sa criminal charges ang mga pasaway na opisyal matapos na maghain ng complaint affidavit si dating PNP chief Rodolfo Azurin Jr. sa Napolcom laban sa dalawang heneral para sa grave misconduct at grave neglect of duty.
Larawan kuha ni Danny Querubin
Para naman sa dalawang colonels, sinabi nito na nagpalabas ang Napolcom ng isang resolusyon para sa kanilang pre-charge para sa kahalintulad na reklamo.
Ang initial processes para sa mga nasabing kaso ay inaasahan na makukumpleto sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.
“May nireklamong final sa kanila si Chief Azurin. At ngayon, itong reklamo na ito ay nandito na kayo sa Napolcom, i-precharge na namin. Matitignan na namin kung may weight o wala. Pagkatapos nito, tatanggapin ito ng Pangulo,” anito.
“Aantayin namin ang sulat ng Malacanang kung tatanggapin nila ito o hindi. Pero ito ang importante, maski tanggapin ang resignation, tuloy-tuloy ang kaso laban sa mga ito. Hindi lamang sila magre-resign, ang kaso ay tutuloy,” aniya pa rin.
“The administrative cases could lead to the forfeiture of the police officers’ government benefits, while the criminal charges would ensure that they would face accountability for their crimes,” sabi ni Abalos.
“For clarity, acceptance of resignation is without prejudice to any administrative cases against these officers and will not release them from any liability,” dagdag niya.
Nakasaad sa Republic Act No. 6975, ang Napolcom, sa ilalim ng DILG, ay “tasked to exercise administrative control over the PNP. It will also review the administrative cases filed against the police force.”
Ang criminal cases sa kabilang dako ay lulutasin ng MOLEO sa ilalim ng Office of the Ombudsman.
Noong nakaraang Enero, hiniling ni Abalos sa PNP generals at full colonels na magsumite ng kanilang courtesy resignations bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na walisin at tuluyang palayasin ang mga police force officers na sangkot sa illegal drug trade. Kris Jose
Abalos: PNP officials na sangkot sa ilegal na droga, kakasuhan ng Napolcom
Source: Filipino Pinoys
Abalos: PNP officials na sangkot sa ilegal na droga
kakasuhan ng Napolcom
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post


Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento