2 bagong gunboats mula Israel
2 bagong gunboats mula Israel pinasinayaan ng PH Navy

CAVITE CITY, Philippines- Pinasinayaan ng Philippine Navy nitong Lunes ang dalawang bagong gunboats sa Naval Station Pascual Ledesma.
Ipinakita ng Navy ang dalawang fast attack interdiction craft platforms na natanggap noong April 11 — BRP Gener Tinangag at BRP Domingo Deluana — hango sa pangalan ng Medal of Valor awardees.
Bahagi ang Acero-class patrol gunboats ng siyam na platforms na nakapaloob sa kontrata sa Israel Shipyards Inc.kasama ang frontrunners na BRP Nestor Acero at BRP Lolinato To-ong, na ipinangalan din sa mga tauhan na nakatanggap ng pinakamataas na military honor.
Bagama’t nabinyagan na, hindi pa nakokomisyon ang dalawang vessels.
Batay sa source, isasagawa ang commissioning ceremony ngayong 2023. RNT/SA
2 bagong gunboats mula Israel, pinasinayaan ng PH Navy
Source: Filipino Pinoys
2 bagong gunboats mula Israel
Philippines news
pinasinayaan ng PH Navy
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento