5 kilo ng dried opium poppy buds nasabat sa NAIA

MANILA, Philippines – Kinumpiska ng mga awtoridad ang isang package na naglalaman ng limang kilo ng pinatuyong opium poppy buds mula Spain.

Kasunod nito ay ang pagkakaaresto sa Indian national na nag-claim ng naturang padala.

Sa impormasyon, dumating ang naturang package noong Abril 17 mula Spain at idineklara bilang cereals at corn flakes.

Dumaan ito sa XRay machine sa Central Mail Exchange Center kung saan napansin ng mga awtoridad na kahina-hinala ang tunay na laman nito.

Nang buksan ang naturang package Martes ng gabi, Mayo 9 para sa inspeksyon ay doon na napag-alaman na opium poppy buds pala ang laman nito, ikinokonsiderang illegal sa bansa.

Dahil dito ay kagyat na inaresto ang 37-anyos na Indian national na nag-claim ng package.

Ayon sa suspek, inorder niya ang naturang gamot online noong nakaraang buwan.

“Order lang ako ng panggamot hindi ko na alam talaga bawal ba rito,” aniya, sabay-sabing para ito sa kanyang backpain.

Sinabi naman ni Gerald Javier, NAIA-IADITG Deputy Task Group commander: “It turned out meron itong plant sa loob then upon checking doon sa declaration it was declared as foods prepared food and cereals which is misdeclared na siya at itong package na ito supposedly pick up dito sa CMEC.”

“Sa plant na ito meron kasi ditong parang liquid na parang gatas na nung unang panahon ito’y ginagawa na inisscrape ito then air dry siya then maging opium siya. Opium is pwede mong gawin na morphine, codeine and heroine,” dagdag niya.

Dinala na sa opisina ng PDEA sa Quezon City ang suspek at nahaharap sa kasong may kinalaman sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/JGC



5 kilo ng dried opium poppy buds nasabat sa NAIA
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento