Alex na-bash sinabihang wag nang bumaba sa bundok!

Manila, Philippines- Mukhang it will take a longer period of time bago naiwaksi ng mga netizens sa kanilang isip ang mga kinasangkutang isyu ni Alex Gonzaga.

Maaalalang nagsimula ‘yon sa bisperas ng kanyang birthday nitong January where she jokingly smeared icing on the male server’s forehead.

Bagama’t obyus na biro for which she already apologized ay hindi pa rin tinantanan si Alex ng kanyang mga haters sa social media.

Nasundan ito ng isa na namang biro bago namaalam sa ere ang programa nilang Tropang LOL.

Ani Alex, sadyain daw nilang mag-overtime para hindi makapasok ang kasunod nitong It’s Showtime.

Again, Alex got another round of soc-med bashings.

This time around ay hindi naman nagbibiro si Alex, yet na-bash ang kanyang pag-akyat sa bundok.

On Instagram, ipinost ni Alex na narating niya ang ituktok ng Mt. Ulap sa Itogon, Benguet.

Alex went hiking together with his parents Daddy Bonoy and Mommy Pinty.

Ayon sa caption ni Alex, gandang-ganda siya sa view nito.

Pero hindi niya itinago na lulang-lula siya.

Hindi rin daw maubos-maisip ni Alex kung ano ang naisipan niya.

Sa puntong ito na nagpiyesta ang kanyang mga haters.

One of them posted: “Huwag ka nang bumaba. Diyan ka na lang!”

Sinang-ayunan naman ito ng isa pang netizen.

In fairness, marami rin ang natuwa kay Alex if only for bringing along her parents.

Isa na rito si Melai Cantiveros na sa bundok naman sa Tanay, Rizal naisip umakyat.

Pinawi ni Melai ang pagkalula ni Alex by saying na sa umpisa lang daw ‘yon, pero uulit- ulitin daw nito ang hiking.

Sa halip na rumesbak sa kanyang mga haters, dedma lang si Alex.

Aware siya siguro na matagal pa bago mawala ang stigma sa kanya, not after she will have climbed the world’s highest peak. Ronnie Carrasco III



Alex, na-bash, sinabihang ‘wag nang bumaba sa bundok!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento