Kuya Wil, babalik sa GMA, may pumapadrino na!

Manila, Philippines – Mahigit 25 million ang bilang ng mga followers ni Willie Revillame sa Facebook at YouTube.

Ito ang dahilan kung bakit hindi kailangang malungkot ang mga tagasubaybay ng programa niyang Wowowin kahit hindi na ito umere sa AllTV. Pwede kasing ituloy ni Kuya Wil ang kanyang programa sa FB o sa YouTube.

Ang AllTV ay bahagi ng ABMS o Advanced Broadcasting Media System na pag-aari ni dating Senate President Manny Villar.

Nitong unang linggo ng Marso, napag-alaman ng PEP mula sa isang source na nagpadala si Wilie ng sulat addressed to Villar na nagsasaad na nais na niyang magpa-release sa pinirmahang exclusive contract sa AMBS.

Ito’y para ituwid na rin ang kumakalat na kuwento na nagbitiw na siya.

Ang totoo raw ay nahihiya si Willie dahil kahit pansamantalang naka- pause ang Wowowin ay patuloy pa rin daw siyang sumusuweldo.

Ang pansamantalang pagpapatigil sa ilang programa sa AllTV ay para ayusin ang reach at signal nito.

Matatandaang iniwan ni Willie ang GMA na naging tahanan ng Wowowin sa loob ng mahigit pitong taon para sunggaban ang alok ni Villar.

Ganoon na lang ang laki ng utang na loob na tinatanaw ni Willie sa mga Villar dahil sa suporta nito noon pang nasa ABS-CBN pa ang programa niya hanggang mapunta sa TV5 at nitong huli nga’y sa GMA.

February 2022 nang mamaalam ang Wowowin sa GMA.

Nangako naman daw si Willie na sa abot ng kanyang makakaya’y nakasuporta siya sa AllTV kung siya’y kakailanganin.

Samantala, kalat na ang balitang may pumapadrino para muling makabalik si Willie sa GMA.

Ayon kay Cristy Fermin na nakaalitan ni Willie, hindi imposibleng tanggaping muli ng nasabing istasyon si Willie.

Ito’y sa dahilang wala namang sinabing masama ang TV host laban sa pamunuan ng network.

Hindi rin daw nagsunog ng tulay si Willie sa kabila ng kanyang paglipat sa AllTV. Ronnie Carrasco III



Kuya Wil, babalik sa GMA, may pumapadrino na!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento