7-anyos ginasaha saka pinatay
7-anyos ginasaha saka pinatay
MANILA, Philippines – Ginahasa saka pinatay ang 7-taong gulang na bata ng kanyang sariling ninong sa Cavite.
Ayon sa ulat, ang suspek na si John Paul Baluyot, isang construction worker, ay humiling sa biktima na samahan siya upang hanapin ang kanyang dating kasintahan sa isang ilog sa Barangay Cabuco, Trece Martires.
Dito na isinagawa ng suspek ang maitim niyang balak.
“Dinala po niya sa kawayanan yung bata at doon niya po hinalay. Nung nakita na po ng isang bystander, witness ay sinigawan, agad pong tumakbo yung suspek,” ani Trece Martires Police Station chief Police Lieutenant Colonel Jonathan Asnan.
Napag-alamang lango sa alak ang suspek na nakipag-inuman pa sa ama ng biktima bago mangyari ang krimen.
Nahuli naman ng pulisya ang suspek kinabukasan sa isang construction site sa Dasmariñas.
Ipinahayag ng ina ng biktima, isang overseas Filipino worker sa Saudi Arabia, ang kanyang sakit at hindi makapaniwala, samantalang si Philippine Overseas Employment Administration Administrator Arnel Ignacio ay nangako na magbibigay ng lahat ng posibleng tulong sa pamilya ng biktima. RNT
7-anyos ginasaha saka pinatay
Source: Filipino Pinoys
7-anyos ginasaha saka pinatay
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post

Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento