binawi ng CIDG
Kaugnayan ng police escorts sa pagpatay kay Degamo, binawi ng CIDG

MANILA, Philippines – Binawi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Lunes, Abril 17, ang posibilidad na sangkot ang mga police escort ni Negros Oriental Governor Roel Degamo sa pagpatay dito.
Matatandaan na kabilang ang mga police escort ni Degamo sa pinaghinalaan makaraang bigong pumasok sa trabaho ang mga ito sa araw na nangyari ang pamamaril-patay sa gobernador.
Kasabay ng pagdinig ng Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee sa Degamo slay case, kinwestyon ni Senador JV Ejercito ang pagliban ng lima sa anim na police security ni Degamo nang araw na patayin ito noong Marso 4.
Ani CIDG chief Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., tiningnan na nila ang usaping ito at napag-alaman nila na may valid reasons naman ang mga police escort.
“We had an initial investigation doon sa mga bodyguards ni ex-Governor Degamo and most of them, matagal nang nagsisilbi doon kay Gov. Degamo and some of the policemen were [his] relatives. So ‘yung anggulo na may nag-traydor ay malabo ‘yun,” ani Caramat.
“‘Yung absence, based doon sa provincial director ng Negros Oriental, they had their valid reason at nagpaalam naman daw sila. So tinignan namin. ‘Yung possibility na talagang if they intentionally nag-absent ay inaalis namin sa anggulo na ‘yun,” dagdag pa niya.
Nauna na ring sinabi ni Pamplona Mayor Janice Degamo, asawa ng napatay na gobernador, na naniniwala siyang walang kinalaman sa pagpatay ang police security escorts ng asawa.
Dahil dito ay pinabulaanan niya ang ugong na inutusan ang mga ito na huwag pumasok sa trabaho.
Kaugnay nito, tinanong naman ni Senador Risa Hontiveros kung ano ang mga hakbang na ginagawa ng mga awtoridad para sa mga security na itinatalaga sa mga elected official.
“We have no valid information up to now kung meron talagang mga mole na nag-timbre doon sa mga suspek nung pumasok sila kung saan ang location ni Degamo… Under investigation pa rin po ‘yun. We cannot discount the possibility na meron ‘yun. Tinitignan namin lahat ng anggulo,” tugon ni Caramat. RNT/JGC
Kaugnayan ng police escorts sa pagpatay kay Degamo, binawi ng CIDG
Source: Filipino Pinoys
binawi ng CIDG
Kaugnayan ng police escorts sa pagpatay kay Degamo
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento