Julie Ann, kakantahin ang Voltes V theme song, mag-aaral ng Japanese!

Manila, Philippines – Multi-lingual na si Julie Ann San Jose!

Matatandaang kinabiliban ang Asia’s Limitless Star when she played the role of Maria Clara in the now-defunct historical fantaserye Maria Clara at Ibarra on GMA.

Dahil nga isang karakter na nabuhay noong panahon ng Kastila, kinailangang karirin ni Julie Ann ang pag-aaral kung paano mag-deliver ng mga linya in Spanish.

At hindi naman binigo ng Kapuso actress ang mga tumangkilik ng nasabing teleserye as she performed her role to the hilt.

Ngayon ay may panibago na namang hamon na dapat harapin ang rumored girlfriend ni Rayver Cruz.

Kay Julie Ann lang naman ipinagkatiwala ng GMA ang pag-awit ng original theme song ng Voltes V: The Legacy.

The singer-actress considers it yet another challenge but finds it exciting.

Flattered daw siya na siya ang napisil na kumanta ng nasabing theme song ng biggest and most expensive action series on TV this year.

Aniya, “I’m overwhelmed that GMA got me to sing it. It’s harder than I thought. When I did Maria Clara, I needed to learn how to speak Spanish. Thank God, naitawid ko naman. Ngayon, I’m learning how to speak Japanese, not just listening to Japanese music.”

Wala naman daw problema kay Julie Ann to acquaint herself with another foreign language most especially Japanese.

Paglalahad niya: “Noong bata ako, I was a big fan of animè. I’m just too happy and excited that I’m part of the biggest action series for this year.”

Inaasahan nang ipagmamalaki ito ni Rayver as much as he is sa mga career achievements ni Julie Ann.

‘Yung lagay na ‘yon, eh, hindi pa raw sila officially a couple, how much more?

Mag-volt in na rin kasi, ‘no! Ronnie Carrasco III



Julie Ann, kakantahin ang Voltes V theme song, mag-aaral ng Japanese!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento