John at Priscilla, ok na?

Manila, Philippines – Kung ang mga larawang ipinost ni John Estrada sa Instgram nitong Biyernes Santo ang pagbabatayan, mukhang all’s well that ends well na sa pagitan nila ng misis na si Priscilla Meirelles.

Dalawang sweet photos kasi ang ipinost ng aktor.

Ang isa’y hinahalikan ni John si Priscilla na nakapikit ang mga mata.

Ang isa nama’y pareho silang nakatingin sa camera.

Mahihinuhang kuha ang mga ‘yon sa kanilang silid-tulugan.

What is more telling about the pictures ay ang makaantig-pusong caption ni John na: “The love of my life, my wife, my one and only queen.”

Matatandaang nabisto na may problemang kinakaharap ang mag-asawa nang magpost si Priscila ng cryptic survey.

Gustong malaman ng Miss Earth 2004 kung ano ang maaaring itawag sa babaeng nag-e-entertain ng lalaking may asawa na?

Sinundan ito ng pagkalat na isang nagngangalang Chiyo de la Vega na isang influencer mula sa Cebu ang tinuturong babae raw ni John.

Naiulat din ng Remate Online na base sa huling post ni Priscilla ay palaban ito.

Bukod sa makahulugan niyang post na: “Not fragile like a flower but fragile like a bomb” ay sinamahan pa niya ito ng #ReadyForWar at #IDon’tShare.

Inilabas din kasi ng ilang netizens ang screen shot ng Viber convo nina Priscilla at Chiyo kung saan inamin ng huli na nagkatikiman umano sila ni John.

Ang panganay namang anak ni John kay Janice de Belen ay nagpakita ng kanyang suporta kay Priscilla by posting: “Love you, Ate Pri.”

Kung totoong maayos na ang mag-asawa, good for them! Ronnie Carrasco III



John at Priscilla, ok na?
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento