Guro inireklamo ng panggagahasa sa estudyante

CATMON, Cebu- Nanganganib na masibak sa serbisyo ang isang guro matapos ireklamo ng panggagahasa ng 15-anyos na dalagitang estudyante sa loob ng kanilang silid-aralan, iniulat kaninang umaga sa bayang ito.

Ayon kay Police Capt. Teofilo Manlanat, hepe ng Catmon Police Station, nagtungo sa kanilang tanggapan ng biktima na itinago sa pangalan Nena, para pormal na magsampa ng kasong Rape laban sa kanyang 38-anyos na titser na itinago sa pangalang Doroy.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga noong Marso 24, 2023 naganap ang insidente sa loob ng comfort room ng paaralan sa nasabing lungsod.

Nakasaad sa reklamo ni Nena, maraming beses siyang ipinatawag ng guro (suspek) sa loob ng kanilang silid-aralan pagkatapos ay inutusan siyang sumama sa loob ng comfort room, kung saan ini-lock ang pinto saka isinakatuparan ng suspek ang makamundo nitong pagnanasa.

Sa ngayon hinihintay na lamang ng pulisya ang resulta ng medical examination ng biktima saka isasampa ang kasong Rape laban sa suspek. Mary Anne Sapico



Guro inireklamo ng panggagahasa sa estudyante
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento