Mayo hirit ni Gatchalian
Pagbabalik ng bakasyon ng mga estudyante sa Abril, Mayo hirit ni Gatchalian

MANILA, Philippines- Panahon na para ibalik ang April–May summer vacation, ayon kay Senate basic education committee chairman Sherwin Gatchalian.
“Kailangan ibalik ‘yan sa dati… It’s time to bring it back, especially now that it’s normal already,” sabi ni Gatchalian nitong Martes.
Inihayag ito ng senador sa gitna ng insidente kamakailan sa Cabuyao City, Laguna kung saan mahigit 100 estudyante ang isinugod sa ospital dahil sa surprise fire drill na naging sanhi ng pagkahimatay ng ilang estudyante dahil sa gutom at dehydration.
Sa araw ng drill, naitala ang heat index sa lungsod sa pagitan ng 39 hanggang 42 degrees Celsius, base sa disaster management official.
“May logic ‘yan e kaya nilagay d’yan. Two reasons: Number one, ang eleksyon natin is always summer. So people will go out to vote kasi pag tag-ulan people will not go out to vote. And then, pangalawa, summer kasi that’s the time students can go out, spend time with their families as opposed to tag-ulan. So mas maganda na ibalik natin sa dating April, May ang summer vacation,” sabi niya.
“It will take a little bit of time kasi slow transition ‘yan pero dapat ibalik na dahil ‘yan na ang naging kaugalian natin,” giit pa niya.
Nagsimula ang kasalukuyang school year noong August 22, 2022 at matatapos sa July 7, 2023.
Samantala, inihayag ni Gatchalian na nagulat siya sa insidente sa Cabuyao, Laguna dahil mahigpit ang mga alituntunin ng Department of Education sa earthquake at fire drills.
“Nakita ko may mga department orders ‘yan e. Of course, ‘yung mga principals natin binibigyan din natin sila ng laya para gumawa ng mga ganitong pagsasanay pero meron silang sinusundan na proseso. So nagulat lang ako na nangyari yan,” sabi niya.
“Mag-ingat lang dahil napakainit ‘no at ‘wag tayong gagawa ng mga bagay na malalagay sa delikado ang mga bata natin, dahil ‘yung mga ganitong init, hindi natin alam kung may mga ibang sakit pa ‘yung iba d’yan baka may mangyari,” dagdag ng mambabatas. RNT/SA
Pagbabalik ng bakasyon ng mga estudyante sa Abril, Mayo hirit ni Gatchalian
Source: Filipino Pinoys
Mayo hirit ni Gatchalian
Pagbabalik ng bakasyon ng mga estudyante sa Abril
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento