Pahayag ni Gerald kay Julia
Pahayag ni Gerald kay Julia, sinabi rin kay Bea!

Manila, Philippines- Sa mga fans na sumusubaybay kay Gerald Anderson ay narinig na nila ang pahayag nitong, “She`s the one. You just know,” na siyang naging sagot niya sa tanong ni Korina Sanchez na kung nag-propose na ba siya kay Julia Barretto noong magkasama sila sa Paris, France.
Ito rin daw kasi ang sinabi ni Gerald kay Bea Alonzo noong magkarelasyon pa sila. Tila hindi lang isa ang nakaalala dahil may nag-comment din na sinabi nga niya ito kay Bea.
May naghahanap na rin ng nakaraang interview ni Gerald noong sila pa ni Maja Salvador para lang malaman kung ganoon din ba ang sinabi niya kay Maja.
May nag-comment tuloy na sana mag-move on na ang fans sa nakaraang relationship ni Gerald dahil naka-move on na ang aktor at masaya na sa piling ni Julia. Samanalang si Bea ay masaya na rin sa piling ni Dominic Roque at ganoon din ang iba pang nakarelasyon ng actor.
May nag-wish naman na sana, totoong nag-propose na si Gerald kay Julia para magpakasal na ang dalawa at matigil na ang pagli-link sa kanya sa iba tuwing may bagong nakakapareha. Para hindi na rin ma-stress ang fans nina Gerald at Julia na baka dumating ang araw na mag-break din ang dalawa.
Well, hindi talaga matatapos ang isyu kay Gerald hanggang hindi ito nagpapakasal at kapag nangyari ito ay doon niya mapapatunayan na si Julia nga ang kanyang “the one.” Gerry Ocampo
Pahayag ni Gerald kay Julia, sinabi rin kay Bea!
Source: Filipino Pinoys
Pahayag ni Gerald kay Julia
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sinabi rin kay Bea!
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento