Kuwait dapat mag-public apology sa serye ng pagkasawi
Kuwait dapat mag-public apology sa serye ng pagkasawi, pagmaltrato sa OFWs – senado

Humihingi ng public apology ang Senate Committees on Migrant Workers and Foreign Relations mula sa gobyerno ng Kuwait para sa lahat ng paulit-ulit na kaso ng pang-aabuso, pagmamaltrato at pagpatay na ginawa laban sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Ang nasabing panawagan ay nakapaloob sa Committee Report No. 56 na inilabas ng dalawang panel na nagrekomenda rin ng pagpapataw ng deployment ban para sa mga bagong-hire na household service worker (HSWs) sa Gulf State.
“I think its about time na dapat talagang humingi ng tawad ang Kuwaiti government dahil ibig sabihin wala silang ginagawa para tugunan ang problemang ito,” ani Sen. Raffy Tulfo sa 28-paged na ulat.
Sinabi ni Tulfo, chairman ng komite ng migrant workers, na habang ang gobyerno ng Kuwait ay nagpahayag ng kanilang pakikiramay, paghingi ng tawad at pagtitiyak na mabibigyan ng hustisya ang pamilya ni Jullibee Ranara, nararapat din na magbigay ng public apology ang Kuwaiti state sa mga Pilipino at hindi lamang sa mga kamag-anak ng Ranara.
Inirerekomenda din ng 28 pahinang ulat sa Department of Migrant Workers (DMW) na ipatupad ang deployment ban ng mga bagong-hire na HSW sa Kuwait na epektibo kaagad at hanggang sa maisama ang mga bagong proteksiyon na hakbang.
Kabilang din sa mga rekomendasyong itinakda ng dalawang komite ang pagdidirekta sa DMW na hilingin sa mga direktang employer (DE) na magsumite ng “resume or bio-date of DE; medical certificate from government accredited hospital/clinic attesting to the physical and psychological fitness/condition of DE, including all members of the household, except children seven years and below; police clearance or similar document attesting that DE has no criminal or any previous derogatory record; picture of the house or building, including the interior that will be part of the working area of the HSW; background history of DE in employing HSWs; details of duties and responsibilities of HSW specified in affidavit forms signed by the DE and the foreign recruitment agency’s (FRA) transcript of final interview with DE.”
Inirekomenda rin ng mga komite ng Senado na itaas ang minimum paid-up capital sa pagtatayo ng Philippine recruitment agency (PRA) mula P5-million tungo sa hindi bababa sa P30 hanggang P50-million.
Ang ulat ng komite ay naglalayong lumikha din ng isang listahan ng mga asosasyon o organisasyon ng mga OFW, empleyado, at/o pareho, at hinihiling sa kanila na humingi ng akreditasyon mula sa DMW.
Regular na susuriin ng DMW ang background ng mga convenor, pinuno, tagapagsalita, sponsor at organizer upang matiyak na itinataguyod nila ang tunay na layunin para sa kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya.
Inirekomenda rin ng dalawang panel ang paggamit ng information and communications technology (ICT) para mabisang masubaybayan ang lahat ng OFW sa Kuwait at sa buong mundo. RNT
Kuwait dapat mag-public apology sa serye ng pagkasawi, pagmaltrato sa OFWs – senado
Source: Filipino Pinoys
Kuwait dapat mag-public apology sa serye ng pagkasawi
pagmaltrato sa OFWs – senado
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento