Liza, may mensahe sa ABS-CBN at bashers!

Manila, Philippines – Matapos ma-bash dahil sa paglabas sa kanyang vlog ay nagpaliwanag si Liza ‘Hope’ Soberano sa isyung pagiging ungrateful.

Nag–trending ang ipinost na vlog ni Liza na may title na, “This is Me,” kung saan umani ito ng iba`t-ibang reaction. Maging ang ilang personalidad ay nadismaya sa kanyang sinabi.

Pero paglilinaw ng dating ka-loveteam ni Enriquez Gil sa interview ng ABS-CBN News na nagpapasalamat siya sa lahat ng mga tao na siyang tumulong para maabot ang tagumpay.

“I feel like a lot of people have mixed reactions toward my vlog  but  I`m speaking for my experiences  and I will reiterate that I am truly grateful for everything that I had and everything that I had experienced, everything that I have achieved in life.

“And I acknowledge that I wouldn`t  have any of that if everybody  along the way wasn`t  there with me,” pahayag ni Liza

Ipinaliwanag din ni Liza na wala siyang sama ng loob sa ABS-CBN kung saan siya nabigyan ng pagkakataon para makilala.

Hindi niya ikinaila na hindi niya gusto ang pangalang ibinigay sa kanya na Liza Soberano.

“When I  mentioned that in my vlog, that was more of me just stating a  fact, I never mentioned  that I  didn`t  like the name, `Liza Soberano` or  that  I  wasn`t  proud  of  it. It`s just  the fact  that  I wasn`t  the one who chose my name because  that`s  one thing that a lot of people don`t  know about me,” paliwanag niya.

Napanood din daw niya ang naging pahayag ng dating manager na si Ogie Diaz sa YouTube video nito at ang kanyang mensahe rito.”

“I want to tell him that  I`m very grateful  for everything that he has contributed to me. Personally and to my career. And I will always be grateful  for that,” aniya.

Tanggap niya na maaaring na-misinterpret siya sa kanyang naging pahayag pero paglilinaw niya na nagpapasalamat siya sa lahat ng naging bahagi ng tinatamasa niya ngayon.

Sa ngayon ay abala siya sa pagpo-promote ng kanyang bagong endorsement.

Whatever happens ay hinding-hindi raw siya magbabago at hindi makakalimot sa lahat ng tumulong sa kanyang showbiz career,

Sa mga namba-bash sa kanya ay wala raw siyang magagawa kung ‘yun ang kanilang pananaw. Gerry Ocampo



Liza, may mensahe sa ABS-CBN at bashers!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento