Grupo sa DepEd: 30K guro kada taon i-hire

MANILA, Philippines – Upang malutas ang kakulangan ng guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa, hinimok ng isang grupo ngayong Miyerkules, Marso 22, ang Department of Education (DepEd) na kumuha ng 30,000 bagong guro taun-taon sa susunod na limang taon.

Nauna nang ipinahayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na plano ng ahensya na kumuha ng mga bagong guro taun-taon, kaya naman kasunod nito nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines na kumuha ng 30,000 bagong guro bawat taon hanggang 2028 para maresolba ang kakulangan ng guro.

Dahil dito, sinabi ng ACT na maaaring bawasan ang laki ng klase sa 35 na mag-aaral bawat isa na magreresulta sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Sinabi ni ACT Chairperson Vladimer Quetua na sa kasalukuyan, ang mga pampublikong paaralan sa bansa ay “kapos sa 147,000 guro upang tiyak na bawasan ang laki ng klase sa 35 na mga mag-aaral.”

“Humigit-kumulang, kailangan nating kumuha ng 25,000 bagong guro taun-taon hanggang 2028 para mapuksa ang kakulangan, at karagdagang 5,000 bagong guro upang masakop ang taunang pagtaas ng enrolment, na umaabot sa kinakailangan na 30,000 bagong guro taun-taon,” sabi ni Quetua.

Bukod sa pagbibigay ng sapat na pondo, hinimok din ng ACT ang DepEd na “resolbahin ang bureaucratic red tape” na humahadlang sa mabilis na pagkuha ng mga guro. RNT



Grupo sa DepEd: 30K guro kada taon i-hire
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento