DA execs pinagalitan ni Villar: ‘Hindi kami ganoon kabobo
FTI, DA execs pinagalitan ni Villar: ‘Hindi kami ganoon kabobo, hindi kami tanga’

MANILA, Philippines – Matinding pinagalitan ni Senador Cynthia Villar ang ilang opisyal ng Food Terminal Inc., (FTI) at Department of Agriculture (DA) sa baluktot na katuwiran hinggil sa pagbebenta ng sibuyas sa halagang P500 kada kilo kahit bumagsak sa P200 kada kilo ang presyo nito noong nakaraang taon.
Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on agriculture and food, hinarap ni Villar ang mga opisyal ng FTI at DA hinggil sa lumobong presyo ng sibuyas kahit sapat ang suplay at mababa ang farm gate price ng produkto.
Naunang ipinatawag ng Office of the Ombudsman ang opisyal ng FTI at DA hinggil sa P140 milyong halaga ng sibuyas na binili sa Nueva Ecija cooperative sa halagang P537 kada kilo.
Sa kanyang paliwanag, sinabi ni FTI President Robert Tan na nagkaroon ng pulong noong Disyembre 20 kung paano mapapahupa ang presyo ng sibuyas at ibibigay ang mahigit P140 milyong pondo sa kanila.
“Walang presyong pinag-usapan po dun, wala,” ayon kay Tan.
Pero, ikinatuwiran ni Tan na kasalukuyang on-leave siya nang panahon na iyon na ikinagalit ni Villar.
“Kami ba namang senador sasabihan mo ng ganyan? Nag-leave ka, hindi ka pumirma. Huwag mo kaming sasabihan ng ganyan…” ayon sa senador.
“Dyos ko naman, lumang story na ‘yun, Dyos ko. Hindi naman kami ganun kabobo. Accept the responsibility that you bought P500 when there are available na P200 something,” aniya.
“Bakit hindi ‘nyo accept ang responsibility? Bakit ‘nyo kami re-reasonan ng ganyan eh hindi naman kami nabuhay sa ibang generation. Kami naman ay marunong naman kami, kaya kami naging senador, marunong kami,” giit pa ng senadora.
Dahil dito, nagpahayag ng matinding pagkadismaya si Villar kaya’t nasabi nitong ayaw niyang magsagawa ng imbestigasyon dahil wala nang nangyayari dito.
“Huwag ‘nyo naman kamin gaganunin…parang ang tingin ‘nyo sa amin tatanga-tanga kami dito na re-reasonan mo kami ng ganyan. Huwag mo kaming re-reasonan ng ganyan. Hindi kami tanga,” ayon kay Villar.
Sinabi ni Villar na bumili ang FTI ng mas murang sibuyas upang makapagbenta sila sa mas mababang halaga sa pamilihan.
“Kaya ka pinabibili para magmura sa market ‘di ba? Ang government parang s’ya ang bibili para magmura sa market, eh kung bibilhin mo din ng ganun kamahal, eh what will be your service to the market? Huwag na lang tayong kumain ng onion. Ako hindi na nakain ng onion eh,” ani Villar. Ernie Reyes
FTI, DA execs pinagalitan ni Villar: ‘Hindi kami ganoon kabobo, hindi kami tanga’
Source: Filipino Pinoys
DA execs pinagalitan ni Villar: ‘Hindi kami ganoon kabobo
FTI
hindi kami tanga’
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento