Philippines news
Taas-presyo sa petrolyo nagbabadya!

MANILA, Philippines – Makalipas ang apat na sunod na linggo ng bawas-presyo sa produktong petrolyo, kamot-ulo na naman ang mga motorista sa susunod na linggo.
Ito ay matapos na magbabala ang mga kompanya ng langis na posible ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Ayon sa oil industry sources nitong Biyernes, Disyembre 16, posible ang dagdag na P1.40 hanggang P1.60 sa kada litro ng diesel.
Maaari rin na tumaas ng P0.10 hanggang P0.30 sa kada litro ng gasolina.
“Mayroon tayong nakikitang bahagyang pagtaas,” pahayag ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad sa panayam ng DZBB.
Karaniwang inaanunsyo ang adjustment sa presyo ng mga produktong petrolyo tuwing Lunes at ipinatutupad ito sa kasunod na araw.
Nitong Martes lamang, Disyembre 13 ay nagpatupad ng P1.70 bawas-presyo sa kada litro ng gasolina, P3.40 sa kada litro ng diesel at P4.40 sa kada litro ng kerosene. RNT/JGC
Taas-presyo sa petrolyo nagbabadya!
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Taas-presyo sa petrolyo nagbabadya!
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento