kumpirmadong nagkabalikan!
Rabiya at Jeric, kumpirmadong nagkabalikan!

Manila, Philippines – Patunay na nagkabalikan na ngang talaga ang magkasintahang Rabiya Mateo at Jeric Raval ay nang maispatan silang magkasamang nanood ng Eraserheads concert sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City nitong Disyembre 22.
Matatandaang March this year nang mag-split sila, pero hindi malinaw ang dahilan ng kanilang breakup.
Para ngang cool off period lang ang pinagdaanan nila dahil noong July 30 ay balitang nagkabalikan sila.
Naganap ang kanilang pagbabalikan sa GMA Gala Night sa Shangri-la The Fort.
While off, madalas sabihin ni Jeric na itutuon muna raw ang kanyang pansin sa kanyang showbiz career.
Pero hindi naman daw niya isinasara ang posibilidad na magkakabalikan sila ni Rabiya.
Same thing with Rabiya na nagkaroon tuloy ng fallback via her morning show.
Samantala, matagumpay na natapos ni Jeric ang Start-up Ph which ended nitong Biyernes.
Susundan ito ng Urduja Jewels na isa sa mga pasabog ng GMA sa 2023.
In fairness, kapansin-pansin ang laki ng in-improve sa acting ni Jeric as the third wheel in the Pinoy adaptation of the said Koreanovela.
Mismong ang bida roon na si Alden Richards ang nagrekomenda kay Jeric para mapabilang sa cast. Ronnie Carrasco III
Rabiya at Jeric, kumpirmadong nagkabalikan!
Source: Filipino Pinoys
kumpirmadong nagkabalikan!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Rabiya at Jeric
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento