439
Stranded sa mga pantalan sa bagyong Paeng, umakyat na sa 7,439
MANILA, Philippines – Umabot na sa 7,439 pasahero, drivers, at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.
Stranded din ang 2,353 rolling cargoes; 107 vessels at 22 motorbancas.
Ang 184 pang vessels at 350 motorbancas ay nananatiling nakasilong sa ligtas na lugar upang makaiwas sa anumang maritime incident.
Base ito sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-8 ngayong umaga, araw ng Sabado, Oktubre 29.
Kabilang sa mga pantalan na stranded ay sa bahagi ng Bicol region, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao,Northeastern Mindanao at Southern Tagalog. Jocelyn Tabangcura-Domenden


Stranded sa mga pantalan sa bagyong Paeng, umakyat na sa 7,439
Source: Filipino Pinoys
439
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Stranded sa mga pantalan sa bagyong Paeng
technology
trending Articles
umakyat na sa 7
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento