natural calamity
Pinas handang umalalay sa Russia-Ukraine conflict, natural calamity

MANILA, Philippines – Handa ang Pilipinas na pangasiwan ang panganib na dulot ng Russia-Ukraine conflict at ang matinding epekto ng natural calamities.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ayon sa Office of the Press Secretary (OPS).
Gayundin, sinabi ng Pangulo na ang mga ito ang dahilan kung bakit nagtuloy-tuloy ang inflationary pressures sa pagkain, transportasyon at enerhiya.
Sa kabilang dako, sinabi ng OPS na habang ang Pangulo ay nagsasagawa ng kanyang interbensyon sa Second ASEAN Global Dialogue, binigyang diin ng Pangulo na magagawa lamang ang risk management sa pamamagitan ng Medium-Term Fiscal Program at ang nalalapit na Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028, na naglalaman ng “targets at strategic actions” ng gobyerno sa susunod na anim na taon.
“I am quite optimistic that we have started along the path to recovering from the COVID-19 pandemic and the attendant problems in our economy,” wika ng Pangulo.
Bukod dito, sinabi pa ng Pangulo na nagpakita ang GDP ng rebound growth rate na 5.7-percent noong 2021 at 7.8-percent average growth rate para sa first half ng 2022.
“These numbers are welcome indicators. They show that our recovery is proving to be robust and that we are returning to our original growth trajectory prior to the crisis,” diing pahayag nito.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na “everyone is not out of the woods yet.”
Sinabi pa rin ni Pangulong Marcos na walang ‘single country ang makakamit ang economic progress ng nag-iisa.
“We, as ASEAN, must promote a people-oriented and people-centered recovery and development pathway beyond the COVID-19 pandemic,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos. Kris Jose
Pinas handang umalalay sa Russia-Ukraine conflict, natural calamity
Source: Filipino Pinoys
natural calamity
Philippines news
Pinas handang umalalay sa Russia-Ukraine conflict
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento