MANILA, Philippines – Magkakaroon ng espesyal na proyekto ang Department of Social Welfare and Development para sa mga Indigenous People o IPs sa bansa.

Inanunsyo ni DSWD Usec. Edu Punay sa press briefing ng National Press Club of the Philippines na alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at sa pangunguna ni DSWD Sec. Erwin Tulfo ay bibigyan ng birth certificate ang mga IPs.

Paliwanag ni Punay, isang malaking hamon para sa mga IPs na walang sariling identification o birth certificate.

Problema aniya sa mga IPs ay hindi sila nakakakuha sa mga serbisyo ng gobyerno dahil wala silang required na dokumento lalo na itong birth certificate.

“Ito ang ating pinaplano, pagpupulongan natin with DILG, PSA upang maiparehistro ang milyong katutubo sa buong bansa na hindi pa nakarehistro sa mga IP community dahil sa lokasyon ng kanilang tinitirhan.

Karamihan aniya sa kanila ay nakatira sa remote at isolated areas kaya aabutin na sila ng DSWD para makibahagi sa mga programa ng gobyerno tulad ng 4Ps, social pension bukod sa iba pa.

“Ito po ang nga programa na ating ipo-pursue sa susunod na mga buwan,” saad ni Punay.

Karamihan sa mga IPs ay hindi pa kasama sa istatistiks kaya naman inaasahang madadagdag sa populasyon ang milyong katutubo sakaling sila ay maiparehistro na sa Philippine Statistics Authority. Jocelyn Tabangcura-Domenden



Milyong IPs iparerehistro ng DSWD sa PSA sa pagkuha ng serbisyo sa gobyerno
Source: Filipino Pinoys