4Ps work ng mga guro kinalos ng DepEd
4Ps work ng mga guro kinalos ng DepEd

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Education (DepEd) na hindi na imo-monitor ng mga guro ang mga estudyante na nakatatanggap ng cash aid sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Nais kasi ng departamento na bawasan ang administrative tasks ng mga guro.
Sa isang liham na may petsang Oktubre 20, 2022, ipinagbigay-alam ni DepEd Undersecretary at chief of staff Epimaco Densing III kay Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo ang naging desisyon ng DepEd matapos na mabatid na may gampanin pa ang mga guro na i-monitor at gumawa ng reports para sa 4Ps sa mga eskuwelahan.
“[W]e shall no longer allow our teachers to facilitate the monitoring of 4Ps in their respective institutions of learning. This is in line with the Department of Education’s thrust that teachers shall focus on teaching,” ang nakasaad sa liham.
“As such, we intend to advise at the soonest possible time our teachers to turn over these tasks to your personnel,” pahayag nito.
Tinukoy ang Republic Act Number 11310 o 4Ps Act, sinabi ni Densing na hindi naman minamandato ang mga DepEd personnel na mag-monitor at gumawa ng reports kaugnay sa programa.
Nakasaad sa Seksyon 49 (2) ng Implementing Rules and Regulations ng batas, gayunman, ang estado bilang miyembro ng National Advisory Council (NAC) and Regional Advisory Council, ang DepEd ay dapat na “help monitor and evaluate the program operations particularly on the compliance of the qualified household-beneficiaries with the conditions for education.”
Dapat ding tiyakin ng ahensiya na ang suplay ng educational facilities, teachers, at educational materials ay available sa 4PSs target areas; at i-develop ang innovative ways o estratehiya upang matiyak na ang supplies o facilities para sa edukasyon ay accessible para sa mga homeless families, itinerant Indigenous People, at sa mga nasa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).
Para naman kay Undersecretary Eduardo Punay, sinabi nito na may malaking papel ang mga guro sa implementasyon ng 4Ps, lalo pa’t ang DepEd ay ang kanilang partner-agency sa nasabing programa.
“Ngunit nais nating linawin na ang mga guro natin sa DepEd ay hindi po involved sa distribution or pamamahagi nitong mga 4Ps na mga payouts at mga grants. Ang kanila pong role under sa implementing rules and regulations…ay monitoring. Sila po ay naatasan na magmonitor ng attendance sa klase ng mga estudyante ng ating mga 4Ps beneficiaries,” ang pahayag nito sa isang public briefing.
Winika pa ni Punay na nakikipag-ugnayan na ang DSWD sa DepEd para linawin ang usaping ito at idetermina ang solusyon para sa pagsusulong.
“Importante rin po kasi ang role ng ating guro. Hindi natin puwedeng bitawan ang kanilang role dito sa implementation ng ating 4Ps,” aniya pa rin.
Bilang tugon kay Densing, sinabi ni DSWD Undersecretary Jerico Javier na ang DSWD ay nasa proseso na pagsusulong ng paggamit ng mobile applications at web-based platforms para mas mabisa o episyente ang monitoring sa mga benepisaryo ng 4Ps.
Sinabi pa nito na inihahanda na rin ng DSWD ang ICT infrastructure nito para makasama sa Learner Information System ng DepEd.
Ang data sharing agreement ng departamento ay nilikha rin para i-monitor ang attendance at i- update ang profile ng mga benepisaryo. Kris Jose
4Ps work ng mga guro kinalos ng DepEd
Source: Filipino Pinoys
4Ps work ng mga guro kinalos ng DepEd
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento