2 preso na tumangkang tumakas, balik-kulungan

CEBU CITY- Balik-selda ang dalawang inmate o person deprived of liberty (PDL) na nahaharap sa kasong may kinalaman sa illegal na droga matapos mahuli ng Cebu City Jail guard na tumatakas kagabi mula sa pasilidad sa Barangay Kalunasan, ng lungsod.

Sa report ng Cebu City Jail Male Dormitory, dakong alas-7 ng gabi nitong Biyernes, narinig ng mga tauhan ng custodial ang malakas na kalabog na nagmumula sa silid-aralan ng ALS sa loob ng naturang piitan.

Inaalam ng mga tauhan ng naturang piitan ang pinagmumulan ng ingay at dito nakita ang mga suspek na umakyat sa canopy ng silid-aralan ng ALS patawid sa kabilang bakod na naghihiwalay sa Cebu City Jail na magkadugtong sa Operation Second Chance, isang juvenile facility.

Pinaputukan ng mga jail guard ang dalawang preso bilang babala para sumuko pero nagpatuloy pa rin ang mga ito hanggang sa nabaril ang isang inmate sa kaliwang paa na agad naman dinala sa ospital para lapatan ng lunas habang ang mga kasamahan nito at isa pang PDL ay sumuko.

Inilagay naman sa isolation ang mga inmate na nagtangkang tumakas bilang preemptive measure para hindi na maulit pa ang nasabing pangyayari.

Kaagad naman nag-imbentaryo ang CCJ sa lahat ng PDL na kabuuan bilang na 6,124.

Tiniyak naman ng pamunuan ng CCJ ang seguridad sa loob ng piitan at palakasin nila ang perimeter fence sa pamamagitan ng paglalagay ng steel matting at razor wires na nakapalibot sa pasilidad.

Aminado naman si Jail Superintendent Mitz Placencia, Cebu City jail warden,na kulang sila sa tao at sisiksikan na rin ang mga inmate sa loob ng pasilidad na dapat ay 2,000 inmate lamang ang kapasidad na CCJ subalit umabot na ito sa higit 6,000 preso. Mary Anne Sapico



2 preso na tumangkang tumakas, balik-kulungan
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento