Tanod sa Tondo binaunan ng bala sa ulo

MANILA, Philippines – Patay ang isang Barangay Tanod nang pasukin ng gunman sa loob ng isang sari-sari store at barilin sa ulo sa  Benita St., Gagalangin, Tondo.

Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Marvin Martinez Y Laxamana, may asawa at residente ng Benita St., Gagalangin, Tondo.

Sa imbestigasyon ng pulisya at batay sa pahayag  ng tricycle driver na si Ermark Severo, 37 anyos ng Brgy.128  Permanent Housing, Balut, Tondo ay nagkaroon sila ng pag-uusap ng suspek na si  Vello Bacha  Abibuag , nasa hustong gulang at residente ng Phase 4, Paliparan, Dasmariñas, Cavite.

Sa kanilang pag-uusap, humantong sa paninigaw ni Abibuag kay Severo na noo’y naroon lamang sila malapit sa tindahan ng biktima.

Gayunman nang makita ng suspek ang biktima ay naibaling ang kanyang galit kaya nilapitan at binaril sa ulo.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek kung saan hinarang ang isa pang paparating na tricycle saka sumakay patungong Juan Luna.

Samantala,iniutos na ni Manila Police District – Director , Police Brigadier General Andre Perez Dizon , ang pagtugis sa suspek habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden 



Tanod sa Tondo binaunan ng bala sa ulo
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento