Pasay makikiisa sa ‘World Rabies Day’
Pasay makikiisa sa ‘World Rabies Day’

MANILA, Philippines – Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa lahat ng mga pet lovers sa lungsod na makilahok sa taunang selebrasyon ng ‘World Rabies Day’ sa darating na Setyembre 28 (Miyerkules).
Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang ‘World Rabies Day’ ay inorganisa ng World Health Organization (WHO) at kasalukuyang nasa ika-16 na taon nang isinasagawa ang selebrasyon, ay ginaganap upang mapalawak ang kaalaman at maitaguyod ang rabies elimination sa buong mundo.
Kaugnay sa selebrasyon ngayong taon na ito na may temang “Rabies: One Health, Zero Death” ay magsasagawa ang City Veterinary Office (CVO) ng libreng baksinasyon para sa unang 50 alagang aso sa SM Mall of Asia (MOA) mula alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 4:00 ng hapon.
Sinabi ni Calixto-Rubiano ay magtatanghal din sa MOA ng Pawshion Show 2022 ng mga alagang aso na nasa edad tatlong buwan pataas gayundin ngk anilang mga fur na magulang kung saan lilimitahan lamang ng hanggang isang alagang aso ang makasasali bilang kalahok sa Pawshion Show.
Ang mga residente na nais lumahok sa nakatakdang kaganapan ay kailangang iparehistro ang pangalan ng nagmamay-ari ng lalahok na aso, address, mobile number, email address, pangalan ng aso at edad nito, kulay at breed, rekord ng baksinasyon, at maiksing paliwanag sa gagamiting costume ng aso.
Sinabi din ni Calixto-Rubiano na ang mga alagang aso ay nararapat na naka-leash at kasama ang kani-kanilang mga handlers kung saa ang mga buntis na aso at mga asong breast-fed pinapayagan na ring sumali sa pagtatanghal.
Responsibilidad din ng may-ari ng aso ang pagdadala ng pagkain at tubig ng kanilang mga alaga pati na rin ang paglilinis ng maikakalat na dumi ng mga ito.
Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na kung sakali man na hindi sumunod ang mga nagmamay-ari ng aso sa kahit anuman sa tuntunin ng Pawshion Show ay hindi na papayagan pang sumali sa aktibidad ang kanilang mga alagang aso.
Ang mga may planong lumahok ay pinapayuhan na magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng text sa numerong 0969-048-1354 na tatanggapin lamang ng hanggang alas 5:00 ng hapon ng Setyembre 23.
Para sa mga karagdagang kaalaman ay bumisita lamang sa CVO FB Page:https://www.facebook.com/ Pasay-City-Veterinarian- Office-101466872590962 o tumawag sa kanilang opisina na may numerong (02) 8834 1176. James I. Catapusan
Pasay makikiisa sa ‘World Rabies Day’
Source: Filipino Pinoys
Pasay makikiisa sa ‘World Rabies Day’
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento