NAGPAPAGALING NG MGA KARAMDAMAN ANG PAG-INOM NG MALINIS NA TUBIG

Sa ating “Samu’t Saring Kaalaman”, alam n’yo ba na may kakayahan ang malinis na tubig na magpagaling ng mga karamdaman?

Napakaraming mga gamot na ang nasa merkado sa ngayon para sa paggaling sa iba’t ibang karamdaman at doon na lamang tayo umaasa, nalilimutan na natin na may simpleng mga pamamaraan upang malunasan ang ilang karamdaman, kabilang dito ang pag-inom ng malinis na tubig.

Naging popular sa Japan ang pag-inom ng tubig pagkagising sa umaga. Hindi lamang ito sabi-sabi, kundi napatunayang mabisa batay sa mga pag-aaral at pagsusuri. Ayon sa Japanese Medical Society, lubhang mabisa ang pamamaraang ito sa paggamot ng mga sakit gaya ng headache, body ache, heart system, arthritis, epilepsy, bronchitis, asthma, TB, meningitis, kidney and urine diseases, pagsusuka, gastritis, pagtatae, piles, diabetes, constipation, lahat ng eye diseases, ilang uri ng cancer, menstrual disorders, at mga sakit sa tenga, ilong at lalamunan.

Simple lamang ang pamamaraan:

  1. Pagkagising sa umaga, bago magsepilyo, uminom ng apat na basong one 160ml o 640ml na malinis na tubig.

  1. Magsepilyo ngunit iwasang uminom at kumain sa loob ng 45 na minuto.

  1. Makalipas ang 45 minutes, puwede ng kumain at uminom muli ng normal.

  1. Sa bawat pagkain ng agahan, tanghalian at hapunan, ‘wag munang uminom sa loob ng dalawang oras.

  1. Sa mga medyo may edad na, hindi kailangang biglain ang pag-inom ng apat na baso kada umaga, gawin itong paunti-unti hanggang mabuo ang itinakdang bilang.

Kung susundin ng tama ang simpleng pamamaraan, ang mataas na blood pressure ay bababa at ang diabetes ay gagaling sa loob ng 30 days, 10 days naman sa gastric ulcer at constipation, 90 days sa Tuberculosis, at 180 araw sa ilang uri ng cancer.

Para sa mga may rayuma, gawin ito sa loob ng tatlong araw sa unang Linggo, at gawing araw-araw mula ikalawang Linggo, at ang resulta, mawawala ang rayuma. 

Base sa mga pag-aaral, wala namang nakikitang side effect ang pag-inom ng tubig sa umaga, iyon nga lamang, mapapadalas ang pag-ihi mo, pero sintomas ito na nililinis ng tubig ang mga duming nasa ating katawan. 

Simple at hindi magastos ang pamamaraang ito, kaya wala namang mawawala kung ating susubukan.

 

 



NAGPAPAGALING NG MGA KARAMDAMAN ANG PAG-INOM NG MALINIS NA TUBIG
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento