‘GLEN’
‘GLEN’, ‘KAP DAN’ NG BATANGAS, MAY PAIHI

ANG paihi o patulo ay isang uri ng krimen na napakabigat ang parusa na puwedeng kaharapin ng mga indibidwal na nasa-likod ng operasyon nito.
Bukod sa kasong petro theft, puwedeng ipagharap ng ‘economic sabotage’ ang mga taong nahuhuli sa ‘pilferage’ ng gasolina, diesel at iba pang produktong petrolyo.
Sa batas, may mga kompanyang binigyan ng permisong makapag-angkat at makapag-imbak ng petroleum products, kapalit siyempre ng pagbabayad ng tamang buwis.
Ang petro products ay isa sa nagbabayad ng malaking ‘tax contribution’ kundi man pinakamalaking pinagkukunan ng buwis para maging pondo ng pamahalaan.
Pero sa paihi, ang produkto nitong petrolyo ay ipinupuslit sa bansa sa pamamagitan ng mga ports, at sa negosyong paihi “swak” sina Glen ng Lemery at Kap. Dan ng Lipa City, kapwa sa Batangas.
Ayon sa source ng Chokepoint, kundi sa Batangas port, sa mga tankers kinukuha nina Glen at Kap. Dan ang kanilang gasolina at diesel na inilalako sa mga contact-buyers.
Iligal ang ginagawa nina Glen at Kap Dan pero ang nakakapagtaka, pinapabayaan lamang sila ni Lemery Police chief PMaj. Gerry Abalos at Lipa City Police chief PCol. Ariel Azurin.
May pananagutan din si Col. Pedro Soliba dahil bilang provincial director ng Batangas, siya ang dapat manguna sa pagsalakay sa mga paihian nina Glen at Kap. Dan.
At kung may pananagutan si Soliba, mas malaki ang pananagutan ni PBGen. Melecio Nartatez, Jr., regional director, sa ilalim ng ‘principle of command responsibility’.
Ang pamamayagpag din ng paihi nina Glen at Kap. Dan ay malinaw na kasiraan ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin na ang liderato ay nagkaroon na ng lamat sa pananaw ni Sen. “Bato” Dela Rosa na kamakailan ay tinawag na ” walang asim walang arrive.”
Ang patuloy na lantarang operasyon ng paihi nina Glen at Kap Dan ay pahiwatig na nagkamali si Pangulong Bongbong Marcos sa pagpili kay Azurin bilang chief PNP at Nartatez bilang PRO4-A director.
Abangan!
‘GLEN’, ‘KAP DAN’ NG BATANGAS, MAY PAIHI
Source: Filipino Pinoys
‘GLEN’
‘KAP DAN’ NG BATANGAS
MAY PAIHI
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento