11 estudyante patay sa Myanmar air strike – UNICEF

YANGON — Hindi bababa sa 11 estudyante ang nasawi sa isang air strike at pamamaril sa Myanmar village, ayon sa UN children’s agency, sa pag-atakeng target ang mga rebelde na nagtatago sa lugar.

Magulo na sa Myanmar mula nang kamkamin ng militar ang kapangyarihan sa isang coup inoong Pebrero 2021, kung saan halos 2,300 sibilyan ang namatay sa crackdown, ayon sa local monitoring group.

Saksi ang Sagaing region sa mga pinakamatinding labanan, sa kaguluhan sa pagitan ng anti-coup fighters at ng militar, kung saan sinunog ang buong lugar.

Kinondena naman ng UN children’s agency UNICEF nitong Biyernes ang insidente sa Depeyin sa Sagaing.

“On 16 September, at least 11 children died in an air strike and indiscriminate fire in civilian areas,” pahayag ng UNICEF nitong Lunes.

“At least 15 children from the same school are still missing,” dagdag nito, at nanawagan sa agad na pagpapalaya sa mga bata.

Kinumpirma naman ng junta na nagpadala ang mga ito ng tropa sakay ng mga helicopters sa lugar matapos makatanggap ng impormasyon na nagdadala ng mga armas sa lugar ang Kachin Independence Army—isang ethnic rebel group—at mula sa local anti-coup militia.

Inakusahan ng militar ang mga rebelde na ginagamit umano ang mga sibilyan bilang “human shields” at sinabing nasabat nito sa lugar ang mga pampasabog.

“How many more incidents like this need to take place before action is taken?” ayon kay Save the Children Asia Regional Director Hassan Noor, at hinikayat ang UN Security Council at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na aksyunan ito. RNT/SA



11 estudyante patay sa Myanmar air strike – UNICEF
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento