handang baguhin ni Carlos
Posisyon sa institusyonalisasyon ng NTF-ELCAC, handang baguhin ni Carlos
MANILA, Philippines- Handa si National Security Adviser Clarita Carlos na baguhin at palitan ang kanyang posisyon kontra-institusyonalisasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sinabi ni Carlos na kinokonsidera niya ang naging tugon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa kanyang concerns hinggil sa duplikadong tungkulin sa hanay ng mga ahensiya at maging ang “duration ng existence” nito.
“Thank you very much, Senator Dela Rosa. You have made a very compelling argument that’s why it should be made into a council,” ang pahayag ni Carlos sa Senate hearing ng Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation on the ELCAC Act.
“And because I am a scholar, I am willing to change my mind. I forgot there is a sunset clause there and yes, it would render itself obsolescent when the reason for its being would have been obliterated, so I am willing to change my mind. For the record, I am withdrawing what I earlier articulated,” dagdag na pahayag nito.
Sa naging pagdinig, nauna nang sinabi ni Carlos ang hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-streamline ang burukrasya at muling ayusin ang pamahalaan.
Aniya, ang panukala ay magiging “contest of jurisdiction and waste of resources.”
“Given these prefatory remarks, I believe that it is not in order to institutionalize the NTF-ELCAC into a council,” ani Carlos.
Bilang tugon, sinabi naman ni Dela Rosa na layon ng batas ay tiyakin na na “anti-insurgency efforts will always be present in the government regardless of the new policy of the president.”
“Kung hindi natin ito i-institutionalize, magbago man ang isip ng president…mag-shift man ang policy niya, i-defunct yung task force. Pero kapag ito ay institutionalized, nandyan na yan, hindi na yan basta-basta snub-in ng pangulo dahil may batas na tayo,” aniya pa rin.
Naging kontrobersiyal ang NTF-ELCAC dahil sa red-tagging sa mga eskuwelahan, estudyante, organisasyon at kritiko ng gobyerno.
Ang red-tagging sa Pilipinas, o pagtutukoy bilang pula (pula, nangangahulugang “Komunista” o/at “terorista”) ay tumutukoy sa malisyosong pagba-blacklist ng mga indibidwal o organisasyong kritikal o hindi ganap na sumusuporta sa mga aksyon ng nakaupong administrasyon ng gobyerno sa bansa.
Ang mga indibidwal at organisasyong ito ay “itinalaga” bilang komunista o terorista o pareho, anuman ang kanilang aktwal na paniniwala o kinabibilangan sa politika.
Ito ay isang uri ng pag-uudyok at may masamang epekto sa mga target nito.
Ang red-tagging ay maaaring isagawa ng alinman sa mga pampublikong tagapaglingkod o utusan. Kris Jose
Posisyon sa institusyonalisasyon ng NTF-ELCAC, handang baguhin ni Carlos
Source: Filipino Pinoys
handang baguhin ni Carlos
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Posisyon sa institusyonalisasyon ng NTF-ELCAC
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento