26K paaralan ‘di nakaligtas sa bagyo
26K paaralan ‘di nakaligtas sa bagyo

Manila, Philippines – Nasalanta ng bagyong Odette ang nasa mahigit 26,000 na paaralan kung saan maaapektuhan ang 10 milyong estudyante sa 11 rehiyon sa buong bansa, ayon sa Department of Education (DepEd).
Sa inisyal na ulat, 10,727,585 mag-aaral sa 26,566 paaralan ang kasalukuyang apektado ng bagyo.
Ilan dito ay ginamit para maging evacuation centers ngunit karamihan ay apektado ng baha, landslide, storm surge, at iba pa.
Samantala, sinabi ng DepEd na suspendido pa rin ang klase sa 23,298 paaralan sa siyam na rehiyon.
Base sa datos, 671 ang kasalukuyang ginagamit bilang evacuation centers (ECs). RNT/FGDC
26K paaralan ‘di nakaligtas sa bagyo
Source: Filipino Pinoys
26K paaralan ‘di nakaligtas sa bagyo
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento