DILG sa politiko
DILG sa politiko, taga-suporta: Political rallies ipinagbabawal pa

MANILA, Philippines- Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government nitong Huwebes sa mga political aspirants at kanilang mga taga-suporta para sa Halalan 2022 na hindi pa umano pinapayagan ang political rallies sanhi ng banta ng bagong coronavirus disease (COVID-19) variant Omicron.
Binigyang-diin ni Interior Secretary Eduardo Año na papayagan lamang ang mga espesyal na pagtitipon kung may pahintulot mula sa local government unit (LGU), at kung masusunod lahat ng health protocols.
“Bawal pa po ang mga political rally. Hindi pa po campaign period”, pahayag ni Año.
“We have been seeing [aspirants] for both national and local positions staging political rallies here and there, which gather hundreds if not thousands of people,” patuloy pa niya.
“We cannot put our guard down. The Omicron variant has already reached many countries and it’s only a matter of time before it reaches us,” paalala ni Año.
Umapela naman si Año sa mga politiko, sa kani-kaniyang political parties, at taga-suporta na iwasan ang pagsasagawa ng nationwide rallies na nagiging sanhi ng pagkakatipon ng maraming tao, dahil may potensyal umano itong maging “super-spreaders.”
Aniya, ang pinapayagan lamang ay caravans at motorcades dahil nababantayan ang physical distancing at isinasagawa lamang ito sa limitadong oras.
“Naka-monitor ang mga kapulisan sa mga caravan or motorcade at sinisiguro nila na may physical distancing, hindi katulad sa mga political rally na mahirap ikontrol ang mga tao,” sabi pa ni Año.
Samantala, inulit naman ni Año na lahat ng uri ng pagtitipon ay alinsunod sa operational capacities, pagsunod sa minimum public health standards, at kung papayagn ng LGUs sa ilalim ng guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).
“There is a time for everything and now is not the time to gather a huge number of people. Let’s wait for the campaign period,” aniya.
Magsisimula ang campaign period para sa mga kandidato sa national post sa Pebrero 8, 2022.
Samantala, uumpisahan naman ang campaign period para sa mga kandidato sa local elective posts sa Marso 25, 2022. RNT/SA
DILG sa politiko, taga-suporta: Political rallies ipinagbabawal pa
Source: Filipino Pinoys
DILG sa politiko
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
taga-suporta: Political rallies ipinagbabawal pa
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento