Philippines news
Rider na may kargang ‘de sabog’ arestado sa Bulacan check point

Bulacan- Arestado ang isang rider matapos parahin at mahulihan ng shotgun sa ikinasang magdamag na check point ng pulisya sa bayan ng San Miguel.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ricardo Gutierrez, residente ng Brgy. Masalipit ng naturang bayan.
Sa ulat, pinara ng mga pulis ang isang motorcycle rider sa kanilang check point sa Brgy. Sibul dahil wala itong suot na helmet.
Nang beripikahin ng mga pulis ang papeles ng motorsiklo at lisensiya, dumukot ito sa kanyang sling bag subalit aksidenteng lumitaw ang hinihinalang shotgun kaya siya inaresto.
Nabatid na improvised single shotgun na kargado pa ng bala ang nasamsam ng mga pulis sa suspek.
Pilit at patuloy na kinukuha ng Remate ang panig ng suspek na nahaharap sa kaukulang kaso. Dick Mirasol III
Rider na may kargang ‘de sabog’ arestado sa Bulacan check point
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Rider na may kargang ‘de sabog’ arestado sa Bulacan check point
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento