Mix-and-match COVID-19 vaccine clinical trial sinimulan na — DOST exec
Mix-and-match COVID-19 vaccine clinical trial sinimulan na — DOST exec

Manila, Philippines – Umarangkada na ang clinical trial ng P240 milyong mix-and-match COVID-19 vaccines sa bansa, batay sa opisyal ng Department of Science and Technology (DOST).
Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevara, nagsimula ang trial sa Marikina City kahapon habang susundan naman ito sa susunod na linggo sa Muntinlupa.
Lalahok din sa trial ang Davao, Manila, at Dasmariñas, Cavite.
“Nasa 204 million pesos ang gagastusin para sa clinical trial ng COVID-19 vaccine mix-and-match… Ang pinakamalaking gastos ay ‘yung mga test na gagawin sa mga participant,” saad ni Guevara sa Dobol B TV.
Ang participants ay dapat namang nasa edad 18 pataas at hindi pa bakunado laban sa COVID.
“Bukod sa tinitignan ang indibidwal, binabantayan din ang epidemiological condition nu’ng barangay kung saan nanggaling ang mga participant.”
“Kaya rin sila binigyan ng EUA dahil sa pandemic… Binalanse ang benefit at risk,” paliwanag pa nito.
Dahil naman sa mas marami ang suplay ng Sinovac vaccines, ito ang gagamiting primary dose para sa mix-and-match clinical trial.
Habang babantayan ng mga mananaliksik ang immune response ng mga lumahok sa loob ng isang taon.
“Kapag binigyan tayo ng bakuna, hindi naman agad ang response ng katawan sa bakuna… Nasa limang araw ang hihintayin bago kuhanan ng dugo ang participant at susukatin ang immune response,” paliwanag pa ni Guevara.
“Kasama na ito sa protocol na pinaaprubahan natin sa FDA.” RNT/FGDC
Mix-and-match COVID-19 vaccine clinical trial sinimulan na — DOST exec
Source: Filipino Pinoys
Mix-and-match COVID-19 vaccine clinical trial sinimulan na — DOST exec
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento