Comelec: Marcos may 5-araw pa sa pagtugon sa petisyon vs. kandidatura

MANILA, Philippines – Pinalawig ng Commission on Elections (Comelec) ng limang araw ang pagtugon ng kampo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa petisyon para kanselahin ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagtakbong Pangulo ng bansa.

Ang hakbang ng Comelec ay bilang tugon sa motion for extension na inihain ng kampo ni Marcos Jr.

“Getting word that COMELEC 2nd Div just now issued an extension in the cancellation case against former Senator Marcos. 5 days,” ani Comelec spokesperson James Jimenez sa kanyang Twitter post, Huwebes.

“But since the 5th day falls on a Sunday, the last day is actually 22 (November),” dagdag niya. RNT



Comelec: Marcos may 5-araw pa sa pagtugon sa petisyon vs. kandidatura
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento