Gumaling sa COVID
Gumaling sa COVID, partially vaxxed, payagan sa dine-in – NTF

MANILA, Philippines – Iginiit ng National Task Force adviser na dapat ding payagang kumain sa mga restoran ang mga indibiduwal na nakarekober mula sa COVID-19 at iyong mga partially vaccinated dahil sa medical conditions.
“Kung ikaw ay nagka-COVID, na-ICU, kahit ikaw ay hindi ka vaccinated, may antibodies ka, so safe din ako kasama yung mga ganoon. Ang third… yung mga hindi nabakunahan because may allergy sila,” ani NTF medical adviser Dr. Ted Herbosa sa Laging Handa briefing.
Ang komento ni Herbosa ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat i-ban ang mga unvaccinated individuals na pumasok sa mga restaurants at establisimyento dahil maaaring maka-kontamina ang mga ito sa iba.
“So idadagdag ko ‘yun. Fully vaccinated, natural immunity sa dating inpeksyon, at those that cannot be vaccinated because of some medical condition,” dagdag na pahayag ni Herbosa.
Samantala, suportado naman ni Herbosa na payagan ang mga unvaccinated individuals sa “outdoors” para mapigilan ang pagkalat ng virus.
“I’m sure yang mga restaurant na yan ay nag offer ng al fresco or open air for the unvaccinated. So kung ang kanilang lugar ay closed lang, I think It is safe policy na i-allow lang yung mga vaccinated para may proteksyon yung mga kliente nila,” aniya pa rin. Kris Jose
Gumaling sa COVID, partially vaxxed, payagan sa dine-in – NTF
Source: Filipino Pinoys
Gumaling sa COVID
partially vaxxed
payagan sa dine-in – NTF
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento