PCG ‘di matitinag sa pagpatrulya sa WPS

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang mga modernisasyon ng karagdagang maritime vessel at aircrafts ay patuloy na magpaptrolya sa West Philippines Sea (WPS) upang maproteksyunan ang mga mangingisda sa bisinidad.

Sa panayam ng Laging Handa, sinabi ni Commandant Admiral Leopoldo Laroya na bumuo sila ng Task Force pagsasanay bilang suporta sa National Task Force for the West Philippine Sea kung saan kabilang ang PCG.

Aniya, katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung saan gagamitin din ang kanilang barko para matulongan at maprotektahan ang mga mangingisda habang sila ay nasa parte ng ating Exclusive Economic Zone o EEZ gayundin ang mga Pilipino na gumagamit ng ating karagatan

Sa kanyang pagbabantay, sinabi pa ni Laroya na ang modernisasyon ng PCG ay isang prayordad kung saan binanggit ang pinakamalaking barko ng PCG ay dadarating na mula France.

Inaasahan din na darating na rin ang ikalawang 97-meter multi-role response vessels (MMRVs) mula Japan na nakuha ng Department of Transporation para sa PCG s ailalim ng Maritime safety Capability Improvement Project Phase II.

Bukod dito, nakatanggap din ang PCG ng dalawang bagong choppers mula Germany noong nakaraang taon at kamakailan ay pinasinayaan ng Pangulong Rodrigo Dutere ang bagong sets ng caravan airtcrafts.

Inaasahan din ng PCG ang tatlong aircrafts para sa pagsubaybay sa maritime domain sa WPS at s aiba pang operayon.

Dinagdagan din ang empleyado ng PCG na inaasahang aabot sa 30,000 sa 2022 kugn saan sa kasalukyan ay mayroon lamang 21,000 na caost guard personnel.

Taong 2016 nang pinawalang-bisa ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague ang malawakang pag-aangkin ng China sa South China Sea.Hindi kinilala ng Beijing ang desisyon ito.

Si Laroya ay itinalaga ni Pangulong Duterte noong Sept.28 bilang ika-28th PCG Commandant at na-prom,ote bilang admiral noong Nov.9. Jocelyn Tabangcura-Domenden



PCG ‘di matitinag sa pagpatrulya sa WPS
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento