Donnalyn, pinagselosan ni Barbie; Paul, Salas, naging sugar daddy!

Manila, Philippines – Naging guest ng actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome ang Kapuso actor na si Paul Salas sa kanyang vlog.

Sa kanilang tsikahan, naibahagi ni Paul na sobrang crush niya si Donna noon.

Kahit noong wala pa raw sa Pilipinas si Donna ay sinusubaybayan na niya ito.

Katunayan, nagse-send pa raw siya ng Twitter messages sa actress para magpapansin.

Naging close raw sila ni Donna nang magsama sila sa pelikulang Happy Breakup noong 2017.

Naikuwento naman ni Donna na pinagselosan siya ng ex nitong si Dex noon.

Sey naman ni Paul, pinagselosan din daw ng dating nobya niya si Donna dahil madalas silang magpalitan ng mga mensahe noon.

Gayunpaman, nilinaw niya na ang exchange of messages daw nila noon ay tungkol sa trabaho dahil pareho na silang may dyowa noon.

Nag-fill in the blanks naman ang mga ‘Marites’ na ang tinutukoy ni Paul na nagselos at napraning sa vlogger ay ang ex nitong si Barbie Imperial na karelasyon nito noon.

Natanong din ni Donna si Paul kung naging sugar daddy na raw ba ang aktor sa kanyang mga nakarelasyon.

Hindi naman ikinaila ni Paul na parang nag-ala sugar daddy daw siya sa isang ex noon.

Ibinili raw niya ito ng mamahaling regalo.

Gayunpaman, no regrets naman daw siya dahil ganoon daw siya katodo kapag nagmahal. Archie Liao



Donnalyn, pinagselosan ni Barbie; Paul, Salas, naging sugar daddy!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento