Bakuna vs COVID-19 target ibigay sa mga bata edad 11 anyos pababa bago matapos ang taon

MANILA, Philippines – Sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na ang mga doses ng bakuna para sa COVID-19 para sa mga batang may edad na 11 anyos pababa ay maaaring maging available na sa bansa sa pagtatapos ng taon.

“I’m pretty sure Pfizer-BioNtech is going to be there by the end of the year,” ayon kay FDA Director General Eric Domingo.

Dagdag nito, hinihintay din nila ang Sinovac na magsumite ng kanilang datos sa COVID-19 vaccine sa edad 18 pababa.

Sa ngayon, ang mga brand ng bakuna para sa COVID-19 para sa mga menor de edad na 12 hanggang 17 ay limitado sa Pfizer-BioNTech at Moderna.

Ang pagbibigay ng booster shots ay pinayagan na rin ng gobyerno para sa mga fully vaccinated individuals laban sa COVID-19 sa nakalipas na anim na buwan, sa kondisyon na sila ay mga health worker, senior citizen, at mga taong may kasamang sakit.

Target na mabakunahan ng gobyerno ang 80% ng 109 milyong populasyon upang makamit ang herd immunity laban sa coronavirus diseases. Jocelyn Tabangcura- Domenden



Bakuna vs COVID-19 target ibigay sa mga bata edad 11 anyos pababa bago matapos ang taon
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento