863 pang bagong kaso ng COVID naitala; 142 patay, 791 nakarekober

Pawang mababa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19, recoveries at namatay ngayong Biyernes.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health ngayong araw, mayroon lamang 863 na bagong kaso, 791 na recoveries at 142 ang pumanaw.

Sa kabuuan ay nasa 2,830,387 na ang kaso ng coronavirus disease.

Nasa 2,764,517 ang gumaling at 48,017 ang kabuuang pumanaw.

Ang aktibong kaso naman ay nanatiling nasa 17,853.

Sa aktibong kaso, pinakamarami ang mild case na sinundan ng moderate, severe, asymptomatic at critical. Jocelyn Tabangcura- Domenden



863 pang bagong kaso ng COVID naitala; 142 patay, 791 nakarekober
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento