Minimum health standards epektibo pa rin vs COVID- eksperto
Minimum health standards epektibo pa rin vs COVID- eksperto

MANILA, Philippines- Sa gitna ng mga bagong lumalabas na coronavirus disease (COVID-19) variants, ang pagsunod sa minimum public health standards kagaya ng wastong pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay, ay nananatiling epektibo na maiwasan ang pagkalat ng virus, base sa isang infectious disease expert nitong Biyernes.
Sinabi ni infectious disease expert at Department of Health technical advisory group member Edsel Salvana na bagamat nakaaalarma ang COVID-19 mutations, hindi ito nangangahulugan na mas nakahahawa at mas nakamamatay ang mga ito.
“Sa ngayon kaunti pa lang ang alam natin [sa bagong South African variant]. ‘Yung mutations naman na nakikita natin…it doesn’t necessarily translate into real-world,” ani Salvana sa Laging Handa public briefing.
Unang nadiskubre ang bagong variant na kilala sa tawag na B.1.1.529, sa South Africa at iniuugnay ito sa muling pagdami ng kaso sa lugar.
“While nakakabahala ‘yung presence of certain mutations, hindi automatic na mas namamatay ito, mas nata-transmit, o mas bumababa ‘yung epekto ng ating vaccines,” dagdag pa niya.
Binaggit din ni Salvana ang COVID-19 variant na nadiskubre sa Pilipinas na pinangalanang P3, kilala rin sa tawag na Theta, at sinabing nakapag-aalala ang mutations ng variant na ito, ngunit hindi naman kagaya ng Alpha, Beta, Gamma, at Delta.
“One thing is for sure, kahit anong variant pa ‘yan, gumagana pa rin po ang paggamit ng masks, at ating [pagsunod sa] minimum health standards [ay] mape-prevent po ‘yan. Tapos ‘yung ating bakuna po, most likely ay tuluy-tuloy pa rin ang protection against severe disease,” paliwanag ni Salvana.
Dagdag pa ng eksperto, ginagawa ng Pilipinas ang makakaya nito upang patuloy na pigilan ang pagpasok ng bagong COVID-19 variants sa bansa. RNT/SA
Minimum health standards epektibo pa rin vs COVID- eksperto
Source: Filipino Pinoys
Minimum health standards epektibo pa rin vs COVID- eksperto
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento